Ang bawat gawa ng panitikan ay nagtatanghal ng moral sa mga magkakaibigang mata sa pamamagitan ng paraan ng iba’t ibang pananaw. Malaki ang kaugnayan ng pagbabasa sa pagsusulat dahil sa pagbabasa at pagsusulat nalilikha ang magagaling na manunulat. Lampas sa mga batayang benepisyo, and pag-aaral ng literatura ay nakatutulong upang maranasan na makita ang buong mundo.Ang pag-aaral ng iba’t ibang uri ng literatura ay nakapagpapalawak ng imahinasyon at nakapagpapabuti sa paraan ng pagbabasa at pagsusulat.Ang panitikan ay isang bagay ng karamihan ngmga tao ay nakakasalamuha.Ito ay isang napakapalad at kamangha-manghang paksa. Dahil binibigyan tayo nito ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang kultura, pinahuhusay din nito ang kakayahan natin upang makipag-usap sa iba.
Ang panitikan ay nagsisilbing tulay para makita at mabatid natin ang kaugnayan ng kasalukuyan sa nakaraan upang sa ganoon maharap natin ang darating ng may lakas at talino.Sa pag-aaral natin ng ating panitikan ay mababatid natin na ang mga Pilipinong pumanday ng ating matatayog at mararangal na simulain na naging puhunan sa pagbuo ng isang lipunan.
Ang panitikan ay laging nakasama sa kurikulum ng paaralan.Bagamat sa karanasan ng mga bata sa paaralan ay nagbabago sa bawat panahon.Ang pangunahing gawain sa panitikan ay mahalagang sanagkap sa edukasyon na mananatili.
Maaaring mawala ang mga yamang materyal at ang pagiging makabayan, subalit hindi ang panitikan.Ito ang isa sa likas na tumutulong sa tagumpay ng isang bansa at bawat bansa sa buong mundo.Inaasahan, na ang pag-aaral na ito ay magiging instrumento sa mga mambabasa lalung lalo na samga Pilipino na ipinagmamalaki ang kanilang kultura at pinagmulan.
Ang pantikan ay mahalaga sa ating mga buhay dahil ito ang naglalarawan sa mga karanasan, kultura, at tradisyon ng mga sinaunang Pilipino. Dahil dito, maaari nating pag-aralan ang mga pangyayari sa ating kasaysayan at magamit ang mga aral sa kasalukuyang buhay natin.Higit sa lahat, ang panitikan ay mahalaga sa ating buhay dahil ito ay sumasalamin sa ating mga emosyon na kadalasan hindi nating maaaring ipalabas. Kaya naman, bilang miyembro ng lipunan, tayo ay napag-iisa ng panitikan.Dahil sa panitikan, ang mga tao ay nabibigyan ng tulay sa nakaraan na maaari ring isalamin sa kasalukuyang panahon. Kaya, mas maiintindihan natin ang ating kultura at tradisyon at mas mabibigyan ito nang halaga.