Anak Pawis

Ang sinulat ni Ordoñez ay isang antolohiya, ipinakita nya ang paglaganap ng panghihimagsik ng mga anakpawis o manggawa sa kapitalismoiba’t ibai para sa higit na kalayaan.Iba’t ibang panahon sa daigdig at ang pangunahing akdang naisulat sa kasayasayan ng Panitikan ng Pilipinas na sumasalamin, nang malalim na pag-unawa, sa kalagayang panlipunan at sa pakikibaka para sa higit na kalayaan.Ang sistema na naghahari kadalasan ang mga may pera lang ang nakabibili ng mga libro o mga literatura, sila lang ang may oras na magbasa o magaral, sila lang din ang may oras na gumawa ng literatura. ang mga anakpawis ng literatura, taliwas sa nakasanayan, dahil ang gawa nila ay Lathalain, ito ay mga batay sa tunay na pangyayari kung saan inilahad nila ang mga kahirapan sa kani kanilang sitwasyon.Lingid sa kaalaman ng nakakarami ang mga paghihirap na pinagdadaanan ng mga anakpawis o ang mga nasa baba ng tatsulok, ang pagsulat ng anakpawis ng mga literatura na lathalain o sanaysay na batay sa kanilang karanasan o mga totoong pangyayari ay isang paraan para ipaalam sa tao kung ano ba meron sa totoong buhay, taliwas sa konsepto ng maganda pa ang mundo.nagbibigay ng malaking impluwensya sa kapwa anakpawis. Nagkakaroon sila ng lakas ng loob na iparating din ang kanilang saluobin sa totoong nangyari sa sistema. Nagbibigay ng ideya sa totoong problemang hinaharap natin.ang mabigyang pansin sila sa kanilang sitwasyon ay isa sa aking layunin. Wala naman sigurong tao amg di gusto ng pagbabago kung ikaw ay nasa ilalim ng tatsulok.nais ng mga manunulat na magkaroon ng pagkakaisa ang mga manggagawa, at wag magpaapi sa mga kapitalista. Dahil sa mga manunulat ng litereratura uring anak pawis mabibigyang pansin ang kanilang kalagayan, mabubuksan ang mata ng mga iilan.Kung ganito ang magiging pamantayan ng pagsusuri sa isang makabuluhang akdang kayang makipagtagalan sa panahon, dahil na rin sa pagtangkilik ng masang sambayanan, masasabing natupad ni Rogelio Lunasco Ordoñez ang rekisitong ito.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started