Kasal,Dangal at Kubeta ng inyong lingkod ghelhai

KUBETA

KASAL
Bawat babae tulad ko ay pangarap ng maiharap sa altar o kahit sa huwes para ikasal.Simple man o magarbo ito basta ang mahalaga ay magkaroon ng basbas ang pagmamahalan at pagsasama ng bawat isa.Minsan hindi rin sa haba ng pagsasama  binabase kung nararapat na bang ikasal o magpakasal o magpatali ang isa’t isa minsan dahil sa kagustuhan ng mga bawat partido o pamilya.Iba pa rin talaga kasi ang pakiramdam na kasal ka lalo na sa taong pinakamamahal mo ito kasi ung paraan pra mapagisa kayo ito. Pero di tulad sa kuwento nakakalungkot kasi di sila napagbuklod ng sagradong pagsasama.Dahil kahit anong pagkakait ang gawin kahit nung pagkukunwari ang ipantapat sa pagsasama kung wala na talagang pagmamahal wala na tin itong saysay.Totoo nga namang nakakapang hinanayang ang isang kasal na binasbasan ng Diyos Ama o pinagbuklod man ito ng isang kasulatan na hahantong lamang sa paghihiwalayan.Hindi rin pala sa haba ng panahon nasusukat dahil tulad sa panahon ngayon maraming pinagtibay ng kasal pero humantong na din sa hiwalayan dahil hindi na sila masaya.Sana kung sa ayin man ito mangyari siguro isipin muna natin itong mabuti ng ilang beses na paulit ulit dahil sabi nga sa kasabihan ang pag aaswa ay hindi isang mainit na kanin na pag iyong isinubo at ikaw ay napaso ay pwede mo itong iluwa.

DANGAL
Sa ating mga Pilipino napakahalaga.Ito ang pinakaiingatan ng tao at iniiwasang mawala.Lalong lalo na sa akin bilang isang babae dangal ang pinakanatatangi kong pinahahalagahan at pinakaiingatan ko sa buhay.Ngunit sa panahon ngayon nakakalungkot isipin na marami na sa kababaihan halos kaya na nilang ipagpalit ang kanilang dangal para sa kanilang sariling karangyaan o pansariling kagustuhan.Katulad sa nasabing kuwento narito ang isang halimbawa na nakuha niyang ipagpalit sa malaking halaga ang kanyang dangal.Nakakalungkot isipinna nangyayari ito hindi lang sa nasabing kuwento pero pati na rin sa totoong buhay dala na rin siguro ito ng kahirapan.Bagma’t marami na rin siguro ang gumagawa nito mapa babae man o lalake kadalasan mga nasa murang edad dahil dala na rin ng kapusukan.Pero wag natin itong bigyan ng masamang kahulugan dahil siguro may mabigat na dahil kung bakit nila ito nagagawa.

KUBETA
Kubeta?salitng kung inyong maririnig minsan pandidiri ang inyong reaksyon.Ngunit ang kubetang ito ay isang pangunahing kailangan natin sa araw araw na pamumuhay.Iba’t ibang klase man ng kubeta pero dumi parin ang naiisip ninyong nakapaloob dito.Kaya ikaw o sino man na mayroong magandang banyono kubeta sa inyong tahanan kahit mamahalin o porselana pa man yan o kahit gawa pa man yan sa ginto o pilak dumi parin ang meron sa loob niyan.Pero hindi lang dumi ang makikita dito dahil gingamit din natin ito bilang paliguan.Dahil dito obligasyon mo itong linisin kahit yung mga kagamitan na nakapaloob dito ikaw ang dapat nag aayos at naglilinis nito dahil ikaw ang gumagamit.Dahil kubeta man ito sa inyong paningin ngbibigay naman ito ng kaginhawaan sa atin sa tuwing tayo’y tatawagin nga kalikasan at sa tuwing tayo at maglilinis ng ating katawan.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started