Ano?Bakit?at Paano

Panitikang Pilipino

Panahon ng pandemya ng magsimula ang unang araw ng aming klase kung iisipin mahirap para sa amin at higit sa lahat mas mahirap sa aming mga propesor.Unang araw aming makilala ang aming butihing propesor sa Panitikang Pilipino dito may mga salitang pahapyaw na syang nabibitiwan na minsan o kadalasan ko na itong naririnig siguro yung iba noong ako ay nasa elementarya pa lamang mga salitang nais kong sariwain sa aking isipan ngunit sadyang matagal ng panahon na ang lumipas at hirap na akong sariwain para balikan.Pero sa kalagitnaan ng pag didiskusyon niya sa amin may mga salita na naman muli akong narinig at ito ay tumatak na sa aking isipan mga salitang “Ano?Bakit?at Paano?”mukhang may ipapagawa ang aming propesor at di nga ako nagkamali” isang asignatura ang iniwan niya sa amin bago matapos ang unang araw namin sa kanya mga salitang nais niyang hanapan namin ng mga kakaibang o interesanteng kasagutan mga salitang base narin sa paksa na kanya tinatalakay na Ang Panitikang Pilipino ito ay ang mga sumusunod:

Ano ang Panitikan? Bakit dapat pag-aralan ang Panitikan?at Paano pinag-aaralan ang Panitikan?

Ano ang Panitikan?

Ang Panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan,mga damdamin,mga karanasan hangarin at diwa ng tao.Ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.

Ang salitang Panitikan ay hango mula sa mga salitang “pang-titik-an” na kung saan ang unlaping “pang”ay ginamit at hunlaping “an” at sa salitang “titik” naman ay nangangahulugang literatura na hango sa salitang latin na litterana na nangangahulugang titik.

May dalawang uri ng Panitikan ito ay ang mga sumusunod:

Patula at Tuluyan o Prosa

Patula-ito ay nabuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maaanyong salita sa mga taludtod na may sulat o bilang ng mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa bawat saknong.Kabilang din ang mga sumusunod tulang liriko,tulang pasalaysay tulang pangtanghalan at patnigan.

Tuluyan o Prosa– ito ay nabuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap.Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may akda.Kabilang dito ang mga sumusunod maikling kwento,nobela,dula,alamat,pabula, talambuhay,sanaysay,balita,at editoryal.

Sa dagdag na ating kaalaman tayo’y tutungo at pag aaralan natin kung ano ang Panitikan.

Dagdag kaalamn may mga teoryang pampanitikan:

KLASISMO-Ito ay ang mga sinulat ng mga dakilang manunulat.

HUMANISMO-pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kaya’t kailangang ma-ipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag sa saloobin sa pagpapasya.

IMAHISMO– Naipapahayag ang kalinawan sa mga imaheng biswal, eksaktong paglalarawan o pagbibigay anyo sa mga ideya.

REALISMO-Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan.Karaniwang nakapokus ito sa pakgsang sosyo-pulitikal kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.

KULTURAL-tumutukoy sa mga kwenotng base sa isang kulturang pinaghanguan ng kwento o tula.

BAYOGRAPIKAL-ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga akdang pampanitikan, siya ang nagsusulat o sumusulat ng mga akdang pampanitikan na ating nababasa magpasahanggang ngayon.

HISTORICAL-ang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at pag-unlad ng wikang ginamit sa mga akdang pampanitikan.

MARKSISMO-inuuna ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan. nakapaloob ang mga tauhang bida at kontrabida.

ROMANTISISMO-ang teoryang pampanitikang umusbong sa Europe noong ikalawang hati ng ikalabingwalong dantaon.

DEKONSTRAKSYON-ito ay teoryang pangpanitikan na pwede mong baguhin ang katapusan at pwede ka ding mag dagdag nga mga tauhan ngunit hindi mo pwedeng buhayin ang mga namatay na sa akda.

EKSESTINSYALISMO-hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng tao at binibigyan halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran.

SOSYOLOHIKAL-paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento sya nagiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan.

FORMALISMO
ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng pagsusuri ito
ang pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng teoryang formalismo.

FEMINISMO-ay tumutukoy sa kalaksan at sa kakayahan ng tauhang babae sa isang kuwento o akda.

ARKITAY-layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo.

Bakit dapat pag-aralan ang Panitikan?

May kaakibat na kahalagahan ang Panitikan para sa mga Pilipino isa itong uri ng mailalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-sariling mga buhay upang matugunan ang kanilang mga suliranin at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao.Maaaring mawala o maubos ang mga kayamanan ng isang tao maging ang kanyang pagiging makabayan subalit hindi ang Panitikan.

Ang Panitikan ay kailangn natin pag-aralan dahil dito mapag-aaralan natin ang mga bawat sinulat ng mga may akda ng bawat salitang ating mababasa sa Panitikan dito ay malaya tayong magpahayag na at ng mga salita dito rin ay mahahasa ang intelektwal na pag-iisip sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsusulat nang masining at may retorika at higit sa lahat upang magsilbi ring gabay ng mga mag-aaral ang Panitikan.Ngayong alam na natin ang kahalagahan nito ay papasok sa ating isipan.Dagdag pa ang mga malalalim na kahulagan ng ilan sa mga ito, nararapat lamang na hindi tayo basta basta kumakagat sa literal na kahulugan kundi inuungkat pa natin ang mas malalim na kahulugan ng mga ito. Isang halimbawa na lamangay ang paggamit ng mga simbolismo na nagdadala at nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa isang akda.Ang panitikan din ang nagtutulay sa bawat isa sa atin dahil natututo tayong intindihan ang bawat isa, mapa anong tradisyon o kultura pa man ang mayroon tayo sa pamamagitan ng pagbabasa ng iba’t ibang akdang pampanitikan.

Paano pinag-aaralan ang Panitikan?

Ang Panitikang Pilipino ay maaaring maaral sa paraan ng pagbabasa ng iba’t-ibang panitikan tulad ng mga alamat, kwentong bayan, kasabihan, nobela, sanaysay, sawikain, at iba pang mga uri ng panitikan.Ang pagbabasa at pagsusulat rin ng sariling mga uri ng panitikan ay nakakatulong din makapag-sanay at makapag-hamon ng sarili para mapalawak ang kaalaman sa Panitikang Pilipino.Maari mo rin gawin ang panonood ng iba’t-ibang pelikulang sariling atin, kung saan maaari tayong magkaroon ng malawak na kaisipan sa paggamit ng iba’t-ibang malalim na salita at pangkalahatang, mapalawak ang ating bokabularyo.Dahil dito makakapagisip tayo ng mga paraan kung paano mapaganda at mapalawak ang Panitikang Filipino, hindi lang para sa ating mga sarili, kundi para rin sa buong mundo

Napakahusay talaga ng mga Pilipino dahil dito, nagiging isang kasangkapan ang Panitikan upang masalamin ang kultura at pamumuhay ng pangkasalukuyang lipunan upang mas lalo pang maintindihan ito ng mga bagong henerasyon. 

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started